Mahigit isang dekada nang nagbibigay ng scholarships ang EverFirst Loans Corporation para sa mga natatanging mag-aaral ng Holy Child Catholic School (HCCS). Muli, nagbigay ng scholarships ang kumpanya sa labing-anim na estudyanteng nagpamalas ng galing sa pag-aaral.
Noong Oktubre 15, 2024, naganap ang contract signing event sa Mayaman Training Room, na dinaluhan ng mga iskolar at kanilang mga magulang. Dumalo rin ang mga dating iskolar na sina Amiel Clark Laguindanum na nagtapos bilang Magna Cum Laude, at si Natasha Emerald Victorio na nagtapos bilang Cum Laude. Kasama nila si Ms. Ofel Lomaoig, ang dating punongguro ng HCCS.
Nakiisa rin sa contract signing sina G. Rey Angeles, presidente ng EverFirst; Gng. Ma. Lourdes Angeles, vice president for finance and administration; Bb. Charito Geguiera, general manager ng EverFirst; Bb. Luz Gastilo, HR manager; Bb. Vivian Dajay, HR supervisor ng Multi-Line; Bb. Krizia Mae Oliva at G. Elyjoy Conde, sectoral operations managers ng EverFirst; at G. Edgardo Rivera, District 5 manager ng EverFirst.
Nagpasalamat nang lubos ang mga iskolar at kanilang mga magulang sa tulong na ibinibigay ng EverFirst. Naantig ang lahat sa pagbabahagi ni G. Rey Angeles ng kanyang mga karanasan sa kanyang karera patungo sa tagumpay ng Multi-Line Group.
Karagdagan nito, ang dalawang dating iskolar ng EverFirst ay nagbahagi rin ng kanilang karanasan kung paano sila natulungan ng EverFirst noong sila ay nag-aaral pa sa kolehiyo.
Bukod sa labing-limang iskolar, nadagdagan pa ito ng bagong set ng mga iskolar na mabibigyan ng P9,000.00 pesos na allowance sa bawat semestre hanggang apat na taon, na naaayon sa kasunduan ng kumpanya. Ang scholarship ay limitado lamang sa state colleges at unibersidad sa nasasakupan ng Metro Manila.
Ang mga bagong iskolars ay kasalukuyang tinatahak ang kanilang napiling kurso sa iba’t-ibang state colleges at mga unibersidad na sumasaklaw sa taong panuruan 2023-2027 at 2024-2028.
Kasunod ng pagreretiro ng dating punongguro, ang nasabing programa ay hahawakan ni G. Rogene Pangan na Opisyales ng Center for Christian Formation ng Holy Child Catholic School.
Sumasalamin dito ang dedikasyon ng EverFirst Scholarship Program, hindi lamang para magbigay serbisyo at tumulong kundi suportahan din ang mga kabataan sa kanilang pang-akademikong pangangailangan.
Malay natin, maaaring ang mga kabataang ito ang magiging maimpluwensyang tao o mahuhusay na lider na siyang tutulong din upang matupad ang pangarap ng mga susunod pang henerasyon.