Ako po ay nagsimulang mag-loan sa EverFirst noong 2021 hanggang ngayon.

May kaibigan po ako na nag-rekomenda sa’kin, na kung gusto ko raw mag-loan ay pumunta ako sa EverFirst.

Ginamit kong pang-puhunan sa sari-sari store ang na-loan ko, kasi wala kaming hanap-buhay noon. Nag-try akong mag-tindahan sa harap ng bahay namin.

Kapag may sobra, ibinibili ko ng mga gamit sa bahay o appliances.

Mabilis po mag-asikaso ang empleyado, kaya nga EverFirst kasi unang-una ka nilang aasikasuhin.

Ang masasabi ko lang po sa EverFirst ay maraming salamat dahil marami silang natutulungang mga pensioner lalo na noong panahon ng pandemic.